Nakakakilig lang kasi kaninang mga 3pm? 4pm? nasa MOA ako, nakaupo dun sa may fountain. Mag isa lang ako, oo na, ako na walang boyfriend. Hahaha. Tas may nakita akong gwapo na nakaharap dun sa fountain at nagbato siya ng barya. Bale, nakatalikod siya sakin.. tantya ko nasa 15- 17 years old (jusko, 23 na ako) .. ang lakas lang ng appeal niya.
Tas maya maya, nagulat ako kasi tumabi siya sakin tas after ilang minutes ng silence.. inabot niya sakin yung isang box ng ferrero. Syempre, nagulat ako, di naman kami magkakilala..tas ganun.
"Ate, walang lason yan. Busted ako eh, kaya sayo na lang... Luis nga po pala. "
Tas nung pagkatanggap ko nung chocolate, tameme pa din ako pero nagmouth ako ng 'salamat' .
Tas after nun, tumakbo na agad siya palayo. Tinry ko naman siya hanapin sa moa, pero wala eh..
ANGEL siya ng valentines ko :))
Chocogirl
2012
UST High School
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles