Para sa mga di nakapagpalit ng Grad pic nila para maiDP at sa di nakapagstatus para magmoment at mag thank you sa mga dapat thank you-han ng pormal. In short, para sa delayed. Katulad KO.
Oo, delayed nga ako. Alam ko na before pa magstart ang 2nd term ng yr 2015. Kaya siguro mas nawalan na ako ng lakas ipagpatuloy ang 2nd sem. Pero pinilit ko naman e. Siguro wala na lang drive, naubos na. Di na ako enthusiastic mag-aral. Naisip ko nalang, na sobrang hina ko at di ako kasing talino ng mga kapwa ko kabatch. Naisip ko ng sumuko. Ayoko na. Di ko na kaya. Pero dahil ang gulo ko, sige pinush ko lang kahit di ganun kalakas ang fighting spirit ko. Kasi may pamilyang umaasa sakin. May pamilya ako at mga kamaganak na kailangan suklian ng utang na loob at ng tulong. Akala nga nila super talino ko e. Syempre nasa UST ba naman ako, tapos sa isa din sa mahirap na course. Pero, yun lang yun. Tingin ko nga swertehan lang na andito padin ako. Hahaha pero swerte ba tong matatawag? Andito padin ako?
After ko makita ang mga grades ko ng 1st sem ng 2014-15, sobrang humagulgol ako na parang katapusan na ng mundo. Syempre delayed ka ba naman e. Para sakin katapusan na. Ang sakit parang mas makirot pa sa pagiging broken sa pagibig. Pero una kong tinawagan ang lolo ko, siya kasi ang nagpapa aral sakin at nagbibigay baon. Nagttrabaho siya at the age of 75 sa US. Dun ako naiyak ng sobra. Kasi naisip ko mas kakayod pa siya para sakin kasi di pa ako matatapos ng additional ilang terms. Nung kausap ko na siya sinabi ko wag siya magagalit pero nagulat ako sa sinabi niya, na kahit gano pa daw ako katagal matapos okay lang sakanya at sa lola ko. Na mas magagalit daw siya pag tumigil ako at sumuko. Naiintindihan daw niya na nahihirapan ako. Same ang reactions ng mga magulang ko at ng buong angkan. Okay lang daw at naiintindihan nila pero wag daw ako titigil.
Ngayon ay kasalukuyan akong nakaenrol para sa third term. Siguro di pa fully nakarecover sa sakit ng nakaaraan. Pero mas mabilis to kesa sa heartbreak sa pag-ibig dahil alam ko suportado ako ng pamilya ko. Ng buong pamilya ko. Narealize ko na ang swerte ko pala. Siguro ngayon, ang sinasabi ng Diyos ay nadelay ka para mas maramdaman ang pagmamahal ng pamilya mo at ng mga kaibigan mo. At binigyan ka uli ng chance para makabawi. At sabi tandaan mo, we'll all get there but just at our own different moments. (Sabi lang ng prof ko pang uplift saming mga delayed) kaya wag susuko!!!
Yun lang, ang lungkot minsan, kasi wala ka na kasabay maglunch at wala ka na kabiruan. Wala na yung buong barkada na makakaalis ng stress sa pag-aaral. Hehe. Hello!! Miss ko na kayo!!! Lol. (Ang babaw sorry na! :)) clingy e)
Hanggang dito nalang at iiwan ko na sainyo itong mga katagang, "Our greatest weakness lies in GIVING UP. The most certain way to succeed is always to try just ONE MORE TIME." -Thomas A. Edison
Muse
2015 turns 2016
AMV College of Accountancy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Não FicçãoThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles